Pag-ibig na di magmamaliw kahit kailan pa man… – Ang istorya namen ng mama ko part 3

Hello Everyone! It’s been weeks since nung huli ako nakapag post… Anyways, eto na ang continuation at ang last part ng story namen ng mama ko… Sana mag-enjoy kayong basahin kahit na medyo mahaba ito… 🙂

942501_187537881402395_2131816842_n

April 17, 2013 – Habang nasa ICU ako dumating ang kaibigan ko na si Kath para bumisita kaso hindi ko na siya nakita pa dahil nasa loob ako ng ICU at nagkakagulo na kami. Sinabi niya saken na asikasuhin ko na muna ang mama ko dahil mas kailangan ako nito. Nagpapasalamat naman ako sa kanya dahil kahit na may trabaho siya at hindi ko siya nakita ay pinuntahan pa din niya ako. 🙂 Noong nakalabas na ko sa ICU tinanung ako ng mga tita ko kung kamusta daw si mama, sinabi ko na ayos na siya at inaalagaan na siya ni Jerome (ang nurse ni mama sa hospital). Maya-maya lang nagtext saken ang kaibigan ko na si Alyssa sinabi niya na nasa PGH na daw sila at ayaw daw sila papasukin ni Addie dahil past 9 na at ang oras lamang ng pagbisita ay hanggang alas-nwebe ng gabi kaya naman sinabi ko na pupuntahan ko na lang sila sa Lobby. Pag dating ko dun agad ako niyakap ng dalawa kong kaibigan at nakipagkwentuhan saken lumabas din ang mga tita ko at pinsan dahil kakain daw sila. Inaya din ako nila Addie at Alyssa na kumain sa Mcdonald’s dahil alam nila na hindi pa ko kumakain ng hapunan. Noong nasa Mcdo na kami sinabi nila na nabigla sila sa nangyari sa mama ko at pinakwento saken ang mga nangyari. Habang nagkukwento ako ay pinipigilan kong umiyak dahil alam ko maaaring maramdaman iyon ng mama ko at sa mga oras din na iyon ay pinipilit ko nang tanggapin ang maaring mangyari. Natuwa ako dahil pinipilit akong aliwin ng dalawa kong kaibigan para kahit papano ay mapawi ang lungkot na nadarama ko. Pagkatapos namen kumain ay bumalik na kami sa PGH at dahil wala na kameng kwarto dahil nasa ICU na ang mama ko, sa labas na lamang kami umupo. Mga bandang alas onse ay nagpaalam na din ang dalawa kong kaibigan dahil may mga trabaho pa sila kinabukasan. Nagpasalamat ako sa kanila dahil naparamdam nila sakin na mahal nila ako. Pag-alis nila ay dumiretso na ko sa sasakyan namen dahil doon kami matutulog ng mga tita ko. Habang nagpaantok ako ay hindi mawala sa ISIP ko ang TANONG na “Bakit hindi pa sumuko mama ko kanina sa ICU e nandoon na kaming lahat at nagpaalam na din ako.” Buong gabi yan lamang ang nasa isip ko at hindi ko maintindihan kung ano pa ang hinihintay ng mama ko. Matapos ang ilang minuto nakatulog na din ako. Noong gabi din na iyon nagpakita sa panaginip ko ang mama ko at binigyan ako ng kapirasong puting blangkong papel kaya naman bigla ako nagising at napaisip ako bakit iyon ang nakita ko? Ano mayroon sa blangkong puting papel?

Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements