The true SPIRIT of CHRISTMAS *the man in the MRT*

It completes my CHRISTMAS! 🙂

16593_138432336312950_104721271_n

THE MAN IN THE MRT *A NEVER GIVE-UP STORY*

(COPIED from my FACEBOOK ACCOUNT post)

Nakita ko to itong mag ama na ito last December 29, 2012  sa MRT nung sumakay ako papuntang TRINOMA. May kumakausap sa kanila na nurse ata un or what basta nakauniform siya ng pang hospital tinatanung iyong tatay kung anu sakit nung bata. Narinig ko sabi nung tatay YELLOW CHILD daw dati iyon (sorry… hindi ko kasi alam kung anu yung sakit na un correct me na lang if I’m wrong) tapos hanggang sa lumalala naging cerebral palsy so lahat halos kami nakatingin sa kanila tapos may babaeng nag paupo dun sa tatay para hindi sla mahirapan kasi kanina super siksikan sa MRT promise… 🙂 Kinausap nung babae ung tatay hindi ko na masyado narinig kasi uupo ako nun sakto ung babae sa harap nung upuan nung tatay bumaba kaya nakaupo ako sa harap nila… 🙂

Tapos umiyak iyong bata… hindi ko alam kung bakit pero ang ginawa nung tatay kinarga niya kaso ayaw pa din, pinainom niya ng tubig ba un… Basta hindi gatas parang tubig na may halo e… ayaw pa din niluwa lang niya at umiyak pa din… tapos ang ginawa ng tatay nilaro niya iyong bata kaya napatigil sa pag iyak at tumawa na… Tapos napatingin sakin iyong bata at ngingitian ako… hindi ko alam parang iba ung kislap sa mata niya… Lagi niya ko ngingitian kaya napangiti ako… 🙂 Hindi lang ung ngiti ng bata ang pumukaw sa damdamin ko kung hindi iyong tatay…

Nakita ko sa tatay na iyon kung gano niya kamahal iyong anak niya… Nung umiiyak ito ginawan niya ng paraan para lamang mapatahan… Nilaro niya iyong bata, pinadede, at kinarga… Akala ko dati nanay lang ang handang magtiis sa gantong panahon… pero sa tatay na to bilib ako na nagagawa niyang maging super tatag para sa anak niya… Handa niyang damayan iyong anak niya at kaya niya na pasanin iyong cross ng anak niya para lamang maparamdam sa anak niya na hindi ito nag iisa nandun siya at handa niya itong mahalin ng lubos… At handa din siyang ibahagi sa iba kahit masakit ang pinagdadaanan ng anak niya…

Super natutuwa ako sa mag ama na ito pero hindi ko din maalis na maawa ng konti para sa bata kasi parang hindi niya man lang naranasan maging normal na bata at madami pang future tong bata na to pero napigil ng sakit niya… Pero isa lang ang alam ko na totoo na nararamdaman ng bata na ito kung gano siya kamahal ng tatay niya at nung ngumiti siya parang sinabi niya saken na “ABBY, araw-araw ang tao ay may pagsubok na pinagdaraanan kaya dapat handa tayong lumaban sa araw-araw at wag kalimutan na manalig sa Diyos kasi hindi niya tayo pababayaan at lahat ng bagay ay may PURPOSE”

Ngayon alam ko na bakit parang naiisip ko at nararamdaman ko may kulang sa pasko ko… Eto pala ang magbibigay sagot dun… Mas naramdaman ko ang diwa ng PASKO sa mag-ama na ito… Siguro ginusto ni God na makita ko to para maramdaman ko na kahit sa anong pagsubok nandyan lang siya at handa tayong damayan basta wag lang natin tatangalin iyong TRUST natin sa kanya… 🙂 db nga GOD LOVES US SO MUCH that HE GAVE HIS ONLY SON for us… 🙂

Siguro, sinasabi din sakin ni God na habang nandyan pa o buhay pa ang parents naten, bigay natin sa kanila ang pagmamahal na dapat ay para sa kanila. Halikan natin at sabihan natin ng I LOVE YOU at huwag natin silang iiwan sa mga oras na kailangan nila tayo… 🙂

Kaya nung bumaba ako ng MRT may inabot ako s bata and then sinabi ko MERRY CHRISTMAS with a SMILE on my FACE then he look at me and smile at me and iyong tatay sabi niya “Maraming salamat iha Pagpalain ka ng Diyos.”

So for everyone… FIGHT FIGHT FIGHT lang and never give up!!! 🙂 MERRY CHRISTMAS EVERYONE and HAPPY NEW YEAR! 🙂

NOTE: nakalagay sa yellow sando nung bata… “NEVER GIVE UP!” and sorry alam ko bawal mag picture sa MRT but I cant help it… 😦

That’s it I hope it would touch your heart the way it does mine! 🙂 MERRY CHRISTMAS AND HAVE A PROSPEROUS 2013 AHEAD! 🙂

Advertisements